Joma lawyers tiwalang mapapalaya ang kliyente
Malaki ang paniniwala ng anim na international lawyers ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Ma. Sison na mapapalaya siya sa Biyernes matapos arestuhin ng Dutch police.
Nakatakda sa Biyernes na dinggin ng judge commissioner sa Den Hag Regional Court ang mga ebidensiya na ihaharap ng Dutch Public Prosecutor's Office.
Simula taong 2006 pa nagkalap ng ebidensya ang Dutch police sa Pilipinas dahil sa akusasyon na may kinalaman si Sison sa hiwalay na pagkakapaslang kina Romulo Kintanar at Arturo Tabara noong 2003 at 2004.
Pitong bahay at opisina, kasama kina Sison at National Democratic Front chairman Luis Jalandoni, ang sinalakay noong Martes ng Dutch police sa Utrecht, Holland.
Tinangay sa NDF office sa sentro ng Utrecht ang limang computers, diskettes, libro at mga dokumento.
Umabot sa 30 Dutch policemen kasama ang isang babaeng judge ang nagsagawa ng raid sa NDF office.
Para kay Jalandoni, walang batayan ang raid kaya malakas ang kaso ni Sison.
Maging mga abogado ni Sison, tinukoy ang Hulyo 2 ruling ng Korte Suprema sa Pilipinas na pagbabasura sa alegasyon ukol sa partisipasyon ni Sison sa Kintanar at Tabara murders.
Pero salungat naman ito sa opinyon ni Wim de Bruin, spokesman ng Dutch Public Prosecutor's Office.
Sa huling panayam kay Sison noong Hulyo 14 kay Europe News Bureau Correspondent Loui Galicia, inamin nito na may tiwala pa rin sa kanya ang progressive force sa Pilipinas.
Ayon kay Jalandoni, nakatakda ang malawakang kilos-protesta ng iba't ibang cause-oriented groups para sa pagpapalaya kay Sison.
Report from Danny Buenafe
SOURCE/ WWW.ABS-CBNNEWS.COM
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=90396
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment